Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jojo humingi ng basbas kay Julie Vega

0 295

NI: RODEL FERNANDO

Marami ang nagulat sa pagpunta ng Revival King na si Jojo Mendrez sa puntod ni Julie Vega sa Loyola Memorial Park noong January 3, 2021.

Kahit malakas ang ulan ay hindi ito naging hadlang para dalawin sa huling hantungan niya ang namayapang aktres.

Indikasyon na ba ito na si Jojo na ang napili para mag-revive ng “Somewhere in My Past” na pinasikat ni Julie Vega?

O,baka naman gusto lang niyang dalawin ito dahil tulad ng nakakarami ay isa rin ang singer-actress sa mga iniidolo ng Revival King?.

Bukod sa mga katanungang ito ay puwede talagang isipin na si Jojo na nga ang napili na kumanta ng pamosong awitin noong 80’s. Baka ang pagpunta niya ay pasasalamat na rin sa aktres o kaya ay pagpapaalam sa muling pagbibigay buhay sa napakaganda niyang awitin. Bilang respeto rin, kasama na siguro ang paghingi niya ng basbas sa sikat na teen star noong Dekada ’80.

Anu’ t-ano pa man ay tanging si Jojo lang ang nakakaalam sa bagay na ito . Wala pang kinukumpirma ang may gawa ng kanta na si Mon del Rosario. Bagama”t nag-audtion si Jojo sa pamosong composer ay wala pa ring idinedetalye ang Revival King kung siya na nga ba ang kakantang muli sa “Somewhere in My Past”.

Leave A Reply

Your email address will not be published.