Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jojo tinalbugan ang 2 sikat na singer

0 87

NI: ROLDAN CASTRO

Masuwerte ang pasok ng taong 2021 sa Revival King na si Jojo Mendrez.

Inanunsyo ng composer na si Doc Mon del Risario na siya ang magre-revive ng Somewhere In My Past.

Ang naturang kanta ay pinasikat noong 80’s ng namayapang singer-actress na si Juie Vega.

Sey ni Doc Mon, ang tipo ni Jojo ang hinahanap niya na quality ang voice at likeable person.

“Masaya talaga ako kasi hindi ko inaasahan na ako ang mapipili. May shortlist ng mga singers na pinagpilian at magagaling sila. I’m just happy na ako ‘yung napili, deklara ni Jojo.

Ayon sa chism may 2 sikat na singer na kinabog ni Jojo .Dumaan daw ito sa audition para mag-revive ng emosyonal na awitin ni Julie.

Nangako naman si Jojo na bibigyan niya ng justice ang bagong version ng Somewhere In my Past lalo’t paborito niya si Julie Vega.

Leave A Reply

Your email address will not be published.