Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jojo winner ang music video

0 248

Pasabog ang music video ni Jojo Mendrez na ‘Diwa ng Pasko’

Magsisimula ang worldwide airing ngayong September 26.

Perfect ngayong pandemic na makapanood ng mga inspirational video na gaya nito.

“1993-1994 I started singing. That time ni-remake ko ang kantang ‘Tuyo Na’ng Damdamin’ ng Apo Hiking Society. I was the first to do the remake before Sharon Cuneta did her version. So that time I was looking for some original songs at noon ko nakilala si Andrei Dionisio. He helped me to finish my song ‘Basta Ikaw’ original song ko dati na ni-remake ko recently. We became friends. Marami siyang ginawang kanta para sa akin na binili ko sa kanya. Until one day I told him na gusto ko ng Christmas song. Sabi nya igagawa n’ya ako. Few days after nagkita kami at personally ibinigay n’ya ang song na ‘Diwa Ng Pasko’.

“Tuwang tuwa siya dahil maganda ang kinalabasan ng ‘Diwa Ng Pasko.’ Siya na nag-mix at nag-master ng song at inilagay namin sa DAT ( yan ang ginagamit dati to preserve the master copy of the song) kasi sa open reel nada-damage ang song. After I have the master copy hindi na kami nagkita dahil ni-launch na that time ang 1st album ko released by Ivory Records sa GMA Supershow.

“Nahirapan ako sa singing career ko dati kasi nanggaling pa ako sa Lucena City para mag-guest at kumanta sa Manila. Kaya ‘yong plano kong Christmas album dati ay ‘di natuloy mabuo. Iniwan ko ang pagkanta at nag-focus ako sa business ng parents ko at real estate business ko.

“2014 inisip ko ulit na ituloy ang X’mas album ko at hinanap ko ang file ng DIWA NG PASKO hindi ko na makita then 2016 pag-open ko ng mga old things ko sa stock room may nakita akong box at don ko nakita ang DAT file ng Diwa ng Pasko.

“Ang problema bihira na ang may old equipment for DAT kaya hindi mabuksan at ma-retrieve ang file. Buti na lang tinulungan ako ni Angie Rozul at may isang well known composer ang may DAT Player kaya nakuha ko ang file ko ng ‘Diwa ng Pasko’.

“Nang pinakinggan namin ang master copy ng ‘Diwa ng Pasko’ .Kailangan na talagang ulitin at gawin ang arrangement sa makabagong panahon. At 2016-2017 ginawa ni MARVIN QUERIDO ang bagong arrangement ng DiWA NG PASKO. At ngayon 2020 ngayon lang sya inilabas sa panahon ng may pandemya,” pahayag niya.

Ang kuwento ng music video ay isang alagad ng Panginoon si Jojo. Inutusan nya ang batang si Carlo Mendoza na kilalang Gigil Kid na maghasik ng pagmamahal.Magbibigay ng positibong buhay at saya sa puso ng bawat isa.

Sa paglalakad ni Carlo may nagbigay sa kanya ng isang LAMPARA NA May bumabalot na hiwaga na gagamitin n’ya para sa mga taong nakatakda nyang baguhin ang buhay.

Maramiang pasabog dahil ibat ibang sikat na vloggerang makikita sa music video .Nandiyan sina Erika Embang, Buknoy Glammur ,China Roces. Ano nga kaya ang idudulot ng mahiwagang lampara sa buhay nila?

Dapat talagang panoorin at -share ang video para mapanood din ng iba.

Isa pa nga palang dapat pakaabangan din ang last part ng music video na kung saan libo libong candles ang ginamit na kinunan ng mahigit na 5 oras.

Bonggang video ang mapapanood sa isang magandang

kanta.

Salamat kay Jojo sa pagpapalaganap ng pag-ibig at pag-asa sa puso ng bawat nilalang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.