Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jokic inayawan bola, naging karerista

0 15

Inamin ni 75th NBA 2020-21 MVP Nikola Jokic na dumating sa puntong nagsawa siyang mag-basketball at pinagtripang mangarera na lang ng kabayo.

Ayon sa 26-year-old, 6-foot-11 Serbian center Miyerkoles, 12-anyos pa lang siya nang mawalan nang ganang magbasketbol at tumigil ng kalahating taon.

“I quit when I was 12 or 14. I quit for like six months,” aniya. “I just wanted to race horses.”

Pero walang nagawa ang six-year Denver Nuggets slotman nang pursigihin ng kanyang ama na ‘wag sukuan ang pagdribol.

“My dad convinced me to play again.”

Kahit nakumbinsi ng ama na bumalik sa court, hindi naman niya itinangging pasimple pa rin siyang nangarera.

“I returned for one game but I told the coach I had to leave at halftime for another horse race,” tanaw balik pa ng basketbolista. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.