Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jokic kailangan ng katuwang

0 117

Halos mag-isang binalikat ni Nikola Jokic ang comeback ng Denver kontra Los Angeles sa Game 2 ng West finals.

Flat na nag-umpisa ang Lakers, si LeBron James lang ang pumukpok sa umpisa nang ilista ang first 12 points ng team.

Dikitan ang laro hanggang magkasa ng 18-3 run ang LA sa second quarter, 8-0 rito habang nasa bench si James. Highlight ng blitz ang dakdak ni Caruso.

SM food to go Banner Ad

Nilista ni Jokic ang final 11 points ng Nuggets huli ang panlamang na basket 103-102.

Makukumpleto na ng Serbian big man ang kabayanihan pero sa final 2.1 seconds ay nahuli ang dating ng depensa niya sa huling bitaw ni Anthony Davis. Pasok ang 3, nabawi ng Lakers ang 105-103 win.

Must-win ang Nuggets ngayon para makabawas sa pressure. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.