Abante Tonite Interactive

Jokic, Nuggets alpas sa 7-yr curse sa San Antonio

327

Nagsumite si Nikola Jokic ng 29 points at 12 rebounds, nagdagdag si Jamal Murray ng 24 points at binawian ng Denver Nuggets ang San Antonio Spurs 117-103 Sabado ng gabi para ibuhol ang first round ng Western Conference playoffs sa tigalawang laro.

Sinikwat ng Nuggets ang unang panalo sa San Antonio sapul noong 2012. Silat ang Denver sa tatlong sunod na postseason games sa San Antonio mula sa hu­ling playoff matchup nila noong 2007. Naka-13 sunod na talo sa regular season games din ang Denver kapag dumadayo sa Spurs.

“It’s an unbelievable win,” ani Paul Millsap. “I can’t put into words the magnitude of this win.”

Sa Miyerkoles (araw sa Manila) ang Game 5 sa Denver.

Ini-host ng San Antonio ang 200th playoff game at sumalang sa 400th overall, sinamahan ang Boston, Philadelphia at Lakers na may ganun karaming salang sa playoffs.

Mas pisikal ang Nuggets kumpara sa 118-108 loss sa Game 3. Hindi nakapalag ang mas beterano sa playoffs na Spurs.

“Their physicality was obvious from the get-go,” ani San Antonio coach Gregg Popovich. “You knew that was going to happen and we did not respond. So, it was a very disappointing loss.”

Nagsumite ng 24 points at 9 rebounds si LaMarcus Aldridge sa Spurs, may 19 points si DeMar DeRozan bago na-eject 5 minutes pa sa laro matapos ibalibag ang bola sa direksiyon ng isang game official patungo sa stands.

Ginamit ni Denver coach Mike Malone si Torrey Craig para bulabugin si Derrick White na nagsumite ng career-performance 36 points sa Game 3.

Nalimitahan si White sa 8 points mula 3 of 8 shooting matapos ang 15 for 21 noong Huwebes. Tumapos si Craig ng 18 points mula 5 for 7 sa labas ng arc. (VE)