Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jokic, Nuggets dinikdik Knicks

0 223

Pinalamig ni Nikola Jokic at ng Nuggets ang New York Knicks 113-97 sa 75th NBA regular season game Miyerkoles ng gabi sa Ball Arena sa Denver.

Umariba ng 32 points sa first quarter ang Nuggets, 24 dito mula kay Jokic nang doblehin ang 12 na produksiyon ng Knicks sa period.

Tumapos si Jokic ng 32 points, sinahugan ng 12 rebounds at 6 assists. Off the bench, nag-ambag ng 25 markers si Austin Rivers – 11 sa fourth kontra dating team. May 17 points si Michael Porter Jr. at 16 markers, 9 boards kay Facundo Campazzo.

SM food to go Banner Ad

Nagkasya lang sa 14 points si Eastern Conference Player of the Month Julius Randle, may 8 rebounds at 5 assists. Naka-18 pts. si Immanuel Quickley, tig-14 kina Derrick Rose at RJ Barrett.

Dumistansiya ng hanggang 31 ang Nuggets, balik sa No. 3 sa West kabuhol ang Clippers sa 44-22. Gulong ang knicks sa 37-29. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.