Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jokic, Nuggets hindi pawawalis

0 65

Pang-MVP ang laro ni Nikola Jokic sa Game 3 ng NBA Western Conference semis, pero kinapos.

Hindi naisalba ng 32 points, 20 rebounds at 10 assists ni Jokic ang Denver sa 116-102 loss sa Phoenix noong Sabado.

Lubog sa 0-3 ang Nuggets, susubukang pahabain ang series kapag muling ini-host ang Game 4 ngayon.

Kailangan ni Jokic ng katulong.

Si Michael Porter (14 points) lang ang naka-double digits sa starters ng Nuggets. May 21 si Monte Morris pero dumating ang karamihan na halos sigurado na ang talo ng Denver.

Sa kabila, muling bumanat ng 27 points, 6 rebounds at 8 assists si veteran playmaker Chris Paul at isang panalo na lang ay martsa na sa West finals ang Suns.

Balanse ang scoring ng Phoenix, umiskor ng 10 pataas ang starters sa pangunguna ng 28 ni Devin Booker. Kumalawit ng 15 rebounds si center Deandre Ayton na sinahugan ng 10 markers. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.