Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jokic, Nuggets hiniya Lakers

0 55

Dinikdik nina Nikola Jokic, Jamal Murray, at ng Nuggets si LeBron James at defending champion Los Angeles Lakers 122-105 sa 75th NBA regular season game Linggo ng gabi sa Ball Arena sa Denver.

Tumabo ng triple-double na 23 points, 16 rebounds at 10 assists si Jokic, nagsumite si Murray ng 25 pts.

Umayuda pa ng combined 31 markers sina reserves Facundo Campazzo at Zeke Nnaji para ihatid ang Denver sa 15-11 win-loss record, hinaltak ang Lakers sa 21-7.

Iika-ikang pumasok ng dugout si Lakers big man Anthony Davis 2 ½ minutes pa sa first half, mukhang lumala ang iniindang right Achilles tendinosis na kinailangan niyang ipahinga ng dalawang laro.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pa-drive si Davis nang ma-foul ni Jokic. Pipilay-pilay na pumuwesto sa free throw line si Davis, ipinasok ang dalawang charities bago nagpa-sub.

Hindi na bumalik si Davis, tumagal lang siya ng 14 minutes sa loob, may 15 pts. at 4 rebs.

Pigil din sa 31 minutes si Lakers superstar LeBron James pero halos triple-double na 22 pts., 10 rebs. at 9 assists pa rin ang kinamada. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.