Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jokic, Nuggets lusot uli sa TrailBlazers

0 295

Sumandal ang Denver sa 20 for 38 shooting sa 3-point range para igapang ang 120-115 panalo kontra Portland Huwebes ng gabi sa Moda Center sa Oregon.

Inekisan ng Nuggets ang 2-1 lead sa NBA Western Conference first-round series, muling i-ho-host ng Trail Blazers ang Game 4 sa Linggo (oras sa Maynila).

Wala pa rin ang partner na si Jamal Murray (torn ACL), nambarako si MVP candidate Nikola Jokic ng 36 points, 11 rebounds at 5 assists para sa Nuggets.

SM food to go Banner Ad

Si Jokic ang unang Denver player na naglista ng three straight playoff games na may 30+ points.

Umiskor ng double digits ang apat pang starters ng Denver na sina Austin Rivers (21), Michael Porter Jr. (15), Aaron Gordon (13) at Facundo Campazzo (11) na may tig-8 rebounds at assists pa.

Humarabas ng 37 points si Damian Lillard pero kinapos sa Portland. Sumegunda ng 22 markers, 9 boards si CJ McCollum. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.