Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jokic, Nuggets sa 2nd round

0 211

Umahon mula 14-point down sa third quarter ang Denver para agawin ang 126-115 win kontra Trail Blazers sa Moda Center sa Portland Huwebes ng gabi at sa ikatlong sunod na season nasa NBA Western Conference semifinals na ang Nuggets.

Sinipa ang Portland sa anim na laro, makakakasalpukan ng Denver sa second round ang Phoenix na sinibak ang Lakers sa six games din.

Nambarako si Nikola Jokic 36 points, 8 rebounds at 6 assists para bitbitin ang Nuggets. Nagdagdag si Michael Porter ng 26 points, may 22 markers at 9 feeds si Monte Morris off the bench.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Nagsumite si Damian Lillard ng 28 points at 13 assists matapos ang career playoff-high 55 points mula 12 3-pointers sa 147-140 double overtime Game 5 loss sa Denver noong Martes.

Nagmukhang makakapuwersa ng Game 7 ang Blazers nang lumamang ng 14 pero nanlamig sa fourth. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.