Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jokic tinapatan rekord ni Wilt

0 105

Sinapawan ni Nikola Jokic si Giannis Antetokounmpo sa kanilang 75th NBA regular season game showdown sa Fiserv Forum sa Milwaukee nitong Martes.

Tumabo si Jokic ng triple-double na 37 points, 10 rebounds at 11 assists para ihatid ang Denver Nuggets sa 128-97 panalo kontra Bucks.

Iyon ang ninth triple-double niya sa 2020-21 season at 50th overall sa six-career upang pantayan ang rekord ni Wilt Chamberlain bilang tangi pa lang na may least 50 triple-double sa mga playing center ng liga.

SM food to go Banner Ad

Nagsumite si Antetokounmpo ng 27 pts. at 8 boards, pero dalawang kakampi na lang ang umiskor ng double digits – sina Khris Middleton (20) at Brook Lopez (12) kaya umangat ang Nuggets sa 20-15 win-loss slate, hinaltak ang biktima sa 21-14.

Sa kabila, lima pa ang umiskor ng 10 pataas sa pangunguna ng 24 ni Jamal Murray na may 6 assists pa. Nag-ambag ng 19 points si PJ Dozier, may 14 markers, 8 boards at 5 dimes si Will Barton. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.