Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jolina na-scam, natusok sa cactus

0 135

Dusa ang inabot ni Jolina Magdangal sa pagiging cactus lover niya dahil bukod sa na-scam na siya, natusok pa siya ng spines ng nasabing halaman.

Naka-post sa Instagram ni Jolens ang nangyari sa kanya few days ago kung saan ay nakabaon sa kanyang mga daliri ang mga tinik ng cactus.

Makikita sa mga larawan na to the rescue ang asawa niyang si Mark Escoleta na isa-isang inaalis ng tiyani ang mga tinik sa daliri niya. Kinailangan pang gumamit ng mister niya ng magnifying lens dahil maliliit lang ang mga tinik.

Caption ni Jolens, “eto na naman po kami. Akala ko hindi makakatusok, pero ang dami pala!!!? sinasabihan na ako ni Pele na wag ko hawakan pero di ako nakinig, ayan tuloy.”

After a few days, naloka na naman si Jolens dahil na-scam naman siya sa Facebook Marketplace ng isang seller na nagbebenta ng cactus.

Ayon sa kwento ni Jolens sa kanyang IG, sobrang dream daw niya ang magkaroon ng Golden Barrel na cactus kaya naman nang makita niya FB Marketplace na may nagbebenta nito ay pinatulan niya talaga.

“Last sunday, na SCAM ako ng isang seller ng mga cactus sa FB Marketplace, sa kagustuhan ko makabili ng Golden Barrel, may isang seller na nagbebenta ng sobrang mura.

“Bumili tuloy ako sa kanya ng 3 gb at 7 pang kakaibang cactus. Ang ayos kausap, english speaking pa. Mode of payment ay gcash,” ang kwento ni Jolens.

Pero nang maibigay na niya ang bayad sa Gcash ay hindi na raw niya makontak ang seller.

“Hapon ang huling text nya ay padeliver na ang mga order ko. At yun na ang huling text nya, nagmemessage ako nung gabi hanggang monday after lunch.

“Wala na.. pinapatay na ang tawag sa gcash number na binigay nya. Minessage pa sya ni mark sa Fb Marketplace para kunyari mag order at sumasagot! Pero sa akin ay wala na. At nung sinabihan ni Mark na asan na mga order ng asawa ko.. hindi na sinagot si Mark, at di na namin sya masearch.

“SCAM. First time nangyari sakin. Ganito pala feeling,” patuloy ni Jolens.

Sa huli ay nagbigay ng mensahe ang host ng Magandang Buhay sa nanloko sa kanya.

“Kung sino ka man “Samantha” (yun ang gcash name nya, hindi ko alam kung yun talaga name nya), maawa ka naman sa mga taong ninanakawan mo ng pinaghihirapang pera. Alam kong mahirap ang buhay ngayon pero hindi yan ang paraan para kumita ka.

“Maaaring after nito ay magpalit ka na ng account pero malamang itutuloy mo parin yang panloloko mo. Ang Diyos ay nakikita ang lahat lahat. At pinagdasal na kita sa kanya,” mensahe ni Jolens sa scammer.

Brighight, Star Cinema sanib-puwersa

Tuloy na tuloy na pala ang collaboration ng Star Cinema at Brightlight Productions ni Albee Benitez para mag-produce ng mga shows for TV5. Kinumpirma na ng head ng Star Magic na si Laurenti Dyogi na kasado na ang seryeng Love on the Move na eere sa Kapatid network.

At bongga dahil ang head ng production ay walang iba kungdi si direk Olivia “Inang” Lamasan lang naman.
Ayon kay direk Dyogi about the collaboration sa interview ng lionheartv, ang Star Cinema ang magpo-provide ng talents at concepts habang ang Brightlight Productions naman ang maglalabas ng pera.

Sinabi rin ni Dyogi na layunin din nilang matulungan ang mga na-retrench na ABS-CBN employees by rehiring them sa mga gagawin nilang projects with Brightlight.

“Employing some retrenched people and some TV personnel, are able to come up with this with Brightlight. So that was the arrangement. A line production, konsepto namin, artista namin and we line produced it. But, funding from Brightlight,” pahayag ni direk Laurenti.

Ang mga bibida raw sa nasabing serye ay sina Elmo Magalona, Elisse Joson, JC Alcantara, Jeremiah Lisbo, Kaori Oinuma, Vivoree Esclito, Patrick Quiroz.

Leave A Reply

Your email address will not be published.