Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jolina ‘napilay’ kay Marvin

0 366

NI: ARCHIE LIAO

Problema pa rin daw hanggang ngayon ang umanoý pag-back out ni Marvin Agustin sa proyektong pagsasamahan nila ni Jolina Magdangal para sa iWant.

Iniisip nila kung sino raw ba ang puwedeng ipalit kay Marvin para maging kapareha ni Jolens.

Actually, marami na ang nananabik sa kanilang balik-tambalan lalo pa’t ang huli nilang pinagsamahan ay ang teleseryeng “FlordeLiza” noong 2015.

Sey ng netizens, parang ang hirap isipin na gagawa ng proyekto si Jolina na wala si Marvin.

SM food to go Banner Ad

May cult following na rin kasi ang kanilang love team .Pakiramdam nila, parang napilay si Jolina without the support of Marvin, her perennial leading man.

As of this writing, wala pa ring ibinibigay na statement si Marvin sa kanyang Instagram account sa diumanoý pag-atras nito sa reunion project niya with Jolina.

Ayon nga sa ibang production insiders, definitely hindi si Jolina ang dahilan ng kanyang pag-back out .Noon pa man ay nagpahayag na ang actor-businessman ng kanyang pagkasabik at kahandaan na muling makatrabaho ang paboritong love team partner.

Hirit naman ng ilang kibitzers, marahil ay hindi pa raw handa si Marvin na i-embrace ang new normal pagdating sa shooting at taping lalo pa’t usong-uso ang lock-in.

Bukod pa rito, isa ring negosyante si Marvin. Marami rin siyang binabalanse sa kanyang mga prayoridad ngayong nasa pandemya pa rin ang bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.