Abante Tonite Interactive

Jollibee ginawang kanin- baboy

979

Inireklamo ng netizen na si Robinia Gutierrez Sampang ang palpak na serbisyo ng Jollibee Magalang sa Pampanga noong Agosto 18 na nilagyan niya ng ` # disappointed.’

“Makabusit kau sobra. Tagal dumating ng order namen,” sabi niya. Umabot umano ng 40 minuto bago dumating ang kanilang order sa nasabing fastfood restaurant. At nang dumating ay kulang pa. Ang order nilang spaghetti with chicken ang hindi dumating kaya dinisisyunan niyang i-takeout na lang.

Pagbukas niya ng takeout niya ay halos masuka-suka siya sa itsura nito. “ “Tila kanin baboy na naghalo-halo ang kanin sa spaghetti.”

“I decided na i- takeout na lang, then ganyan ang ibibigay nyo. Parang naging kanyaw yun pagkain ko. Sana naman inayos nyo, trabaho nyo yan at ginusto nyo yan,”sambit pa ni Sampang.

Umani ng iba’t ibang reaksyon sa mga netizen ang nangyari.

Ayon kay Vhie Valenzuela Esguerra Yen Sunga: super duper mega ultra palpak, sobrang bagal pa ng service; June Dugay Dapt: binalik m.sayang.

Karamihan sa mga nag-react ay sa salitang Kapangpangan na nagpahayan ng simpatiya kay Sampang.

Sinubukang hingan ng pahayag ng Tonite si Jollibee corporate communications manager Arline Adeva ngunit hindi ito tumugon. ( Eileen Mencias)