Abante Tonite Interactive

Jollibee-Tan Caktiong nalugi sa negosyo sa US

0 400

Bumagsak ng 14% ang kita o net income ng Jollibe­e Foods Corp. nung first quarter ng taong ito sa P1.5 bilyon dahil sa lugi nito sa investment sa Smashburger sa Estados Unidos.

Ang Smashburger ay isang burger joint sa E­stados Unidos.

Sabi ng Jollibee, kung tatanggalin ang lugi sa Smashburger, umakyat ang operating income nito ng 9.1% dahil sa lumago naman ang kita nito sa Pilipinas. Sabi ng Jollibee, 73% ng negosyo nito ay nasa Pilipina­s kung saan 9.5% ang ikinalaki ng benta.

Gumastos ang Jollibee ng P4.6 bilyon nung 2015 para bilhin ang 40% ng Smashburger at dinagdagan pa nito ang investment sa kumpanya ng halos P800 milyon nung 2016. Umabot na sa P11.3 bilyon ang investment ng Jollibee sa Smashburger dahil naglagay pa ito ng karagdagang investment sa kumpanya.

“Our profit is also being affected by the performance of Smashburger in the United States,” sabi ni Jollibee chief financial officer Ysmael Baysa.

Dagdag pa niya, hindi magiging kasing lakas ang benta at kita ng Jollibee sa first quarter at se-cond quarte­r ngayong taon kumpara sa mga nakaraang taon.

Umaasa si Baysa na babawi ang performance ng Jollibee sa third at fourth quarter ng taon pag bumalik na ulit ang kompiyansa ng consumers na tinamaan ng matindi sa pagsirit ng inflation o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin nung nakaraaang taon.

Umaasa ang Jollibee na mapalalakas nito ang n­egosyo ng Smashburger katulad ng pagpapalakas na ginawa nito sa mga ibang negosyong binili nito.

Plano ng Jollibee na magbukas ng 40 na shops ng Jollibee at Smashburger sa Canada at sa Estados Unidos ngayong taon. (Eileen Mencias)