Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jollibee-Tan Caktiong sinara 203 store

0 494

Isinara na ng Jollibee Foods Corporation (JFC) ng bilyonaryong si Tony Tan Caktiong ang 203 store nito sa Pilipinas at sa iba’t ibang parte ng mundo.

Bukod sa fast food restaurant mismo ng Jollibee, kasama sa grupo ang Chowking, Greenwich, Red Ribbon, at Mang Inasal.

Ang Jollibee rin ang may hawak ng franchise para sa Dunkin Donuts, Burger King, Highlands Coffee, at Tim Ho Wan sa bansa. Ang kompanya rin ang may-ari ng Smashburger at Coffee Bean and Tea Leaf.

Ayon sa online news site na bilyonaryo.com.ph, 66 na store ang sinara ng Jollibee sa Pilipinas: pitong Jollibee, 16 na Chowking, 16 na Red Ribbon, 15 Greenwich, at 12 Mang Inasal.

Sa Estados Unidos, sinara ng Jollibee ang 90 branch ng Coffee Bean and Tea Leaf at 11 Smashburger.

Sa China 23 ang sinara nito: 9 na Yonghe King, 10 Hongzhuangyuan, at 4 na Dunkin Donuts.

Nagsara rin ito ng isang branch ng Jollibee sa United Arab Emirates.

Sa Vietnam, 8 branch ng Highlands Coffee ang sinara nito at 4 na Hard Rock Café.

Dumudugo ang Jollibee ng P2 bilyon kada buwan sa lugi ngayong taon na madadagdagan pa ng P7 bilyon sa pagsasaayos ng negosyo para makaresponde sa kasalukuyang sitwasyon ngayon. Kasama na rito ang pagsasara ng 255 pang mga sangay nila. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.