Abante Tonite Interactive

Jolo, Bryan, Luigi bibida sa war on drugs movie

By
4,901

Nabanggit na niya na kapag makalabas na siya ng Camp Crame, gusto muna niyang magpaka-active sa paggawa ng pelikula at isasantabi muna niya ang pulitika.

Pero ngayon ay nakabuo na sila ng isang film project na pagbibidahan ng tatlong anak niyang sina Bryan, Jolo at Luigi Revilla. Trilogy ito na tumatalakay sa war on drugs.

Piling-pili nila ang mga direktor na magdidirek ng bawat episode. Si Direk Edgardo ‘Boy’ Vinarao ang sa episode na pagbibidahan ni Luigi, si Direk Richard Somes ang kay Bryan at si Direk Dondon Santos naman ang kay Jolo.

Jodi naghahanap ng ‘babae’ para kina Jolo, Bryan at Luigi

NAKAPAGSIMULA na ng shooting sina Luigi at Bryan, inaayos pa lang ang magiging leading lady ni Jolo.

Recently ay kinunan ang big scene ng episode ni Luigi, at kahit nasa loob ng Camp Crame si Sen. Bong, sa kanya pa rin muna pinapa-approve ang mga malalaking eksenang kinukunan.

“Si Papa had confidence on us. We really work hard.

“Present siya sa lahat. Kahit nandun siya sa loob, alam niya lahat,” sabi ni Luigi.

Medyo kabado si Luigi na napasabak siya sa pelikulang ito, pero pinaghandaan naman niya nang husto, lalo na’t bihasa naman siya sa martial arts.

“It’s really risky. Especially for me, I’m a neophyte actor. Unlike sa mga previous na ginagawa ko pa-tweetums. Pagkabasa ko ng script, kinabahan ako eh. Sabi ko, ‘makakaya ko ba ‘to?” dagdag niyang pahayag.

Sobrang naka-focus din si Bryan sa pelikulang ito at sabi nga niya parang na-inspire raw siyang magpaka-active uli sa pag-aartista.

Si Vice Governor Jolo naman ay abala pa sa Cavite kaya aayusin daw muna ang schedule niya para makapagsimula na siya.

Pati nga si Jodi Sta. Maria ay tumutulong din sa pag-iisip ng concept sa episode nito, at siya rin ang nagsa-suggest ng tamang leading lady. Meron na raw silang kinakausap, pero saka na raw nila sasabihin kung sino ang magiging leading lady niya.

Malay natin, baka magkaroon pa nga ng special participation si Jodi kung papayagan ito ng Star Magic.