Abante Tonite Interactive

Jolo pumiyok sa ‘di pagdalaw ni Robin kay Bong

By
1,871

tonite-imo-vinia-vivarHindi sure si Jolo Revilla kung nakadalaw na si Robin Padilla sa kanyang amang si former Sen. Bong Revilla na as we all know ay apat na taon nang nakakulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame. Naitanong kasi ito sa kanya sa solo presscon niya for “72 Hours” na episode niya sa action trilogy film na Tres.

Ang kolum­nistang malapit sa pamilya Revilla na si Gorgy Rula ang sumagot na hindi pa raw nakakadalaw si Binoe at dagdag pa niya, noong time na si Robin ang nakakulong ay lagi itong dinadalaw ni Sen. Bong.

“At saka pag nagkikita naman kami ni Kuya (Robin), lagi naman niyang binabanggit na ang reason kung bakit siya nakalaya, dahil sa lolo ko (former Sen. Ramon Revilla, Sr.). Pero alam ko nga, hindi pa nga nakakadalaw,” dagdag naman ni Jolo.

When asked kung hindi ba masama ang loob ng daddy niya, aniya, “hindi naman siguro. Pero siyempre, magiging masaya ‘yun pag dumalaw si Kuya Robin.”

Samantala, ngayong­ Setyembre ay magdiriwang na naman ng kaarawan si Bong at ito na raw ang pang-apat na birthday nito sa kulungan.

Aminado naman si Jolo na talagang nakakalungkot din dahil uma­bot nang ganito katagal na walang nangyayari sa kaso.

“Pero nitong bandang huli, nakakatuwa dahil lumabas na ‘yung katotohanan. Pero ayo­ko nang pag-usapan ‘yung case niya kasi alam nating bawal pag-usapan,” he said.

Pero may hope naman?

“Oo naman, ‘yung hope natin nandu’n and the truth is out already and let’s leave it to the justice,” saad niya.

Kylie, Nathalie, Meg, Roxanne, Cristine nagagamit pa rin ng lalaki

 

Sa presscon kahapon ng pelikulang Abay Babes ay may mga ibinuking ang direktor na si Don Cuaresma kung ano-ano ang mga nadiskubre niya sa lima niyang bidang sina Kylie Versoza, Nathalie Hart, Meg Imperial, Roxanne Barcelo at Cristine Reyes lalo pa nga’t nag-shooting sila nang one week sa Bicol.

“Unang-una, hindi ko na ime-mention kung sino, ‘yung sa sobra nilang ganda at talino nila, merong isang babae sa kanila na parang kung makasunod sa boyfriend.

“So, sa ganda pala nila, nagagamit pa rin sila ng lalaki. So, sabi ko, ‘ano pa bang ire­reklamo namin, di ba?’ Sa ganda na nila, pero meron din pang ganu’n na time,” kuwento ni direk Don.

Napansin din daw niya sa limang girls na todo-bigay daw ang mga ito ‘pag nagmahal.

“Like si Nathalie, she’s at the peak of her career, biglang nagkaroon ng balloon (pregnant) because of love,” sey pa ni direk.
“Basta ‘yun, iba sila magmahal,” dagdag pa niya.

Inilarawan din niya isa-isa ang lima niyang artista.

Si Roxanne daw ay hindi niya raw alam na ganu’n pala kagaling sa comedy at nasorpresa raw siya sa comic timing nito.

“Kasi akala ko, dramatic actress lang siya. So, pwede siya sa come­dy.”

Si Cristine naman daw, bilang pinakamatagal na sa showbiz sa kanilang lima, ine-expect daw niyang may attitude ito, pero good thing, wala naman daw.

“So, naging­ mabait siya. Akala ko kasi, sa limang ito, siya ‘yung magiging problema ko. Hindi naman pala. Napakabait niya at napaka-professional niya,” papuri pa ng direktor kay Cristine.

Si Meg naman na gumaganap na tomboy sa pelikula ay inaral daw talaga ang karakter nito kaya bumilib din siya. Minsan nga raw ay hinanap niya si Meg at hindi niya makita. ‘Yun pala ay nandu’n sa isang sulok at akala raw niya ay si Charice Pempengco.

Si Nathalie naman daw ay palabati parati at kung ano ang nararamdaman ay sinasabi.

Kaaliw naman ang obserbasyon niya kay Kylie dahil beauty queen daw talaga ito umasta.

“Kasi minsan, hindi niya alam, naglalagay siya ng clip dito, sabi ko, “ay iha, may continuity tayo, hindi ‘to beauty contest na pwede kang maglagay ng ano kapag na-feel mo na maglagay ng tela or something or magdagdag ng make-up.

“So, beauty queen pa rin siya pati ‘yung pagtayo niya. Parati ko siyang nire-remind na ‘ah madre ka rito, iba ang tayo ng madre saka ‘yung tayo ng beauty queen.’ Minsan nagsa-sash siya pag lumalakad. Sabi ko, ‘hindi ito Miss International’,” kuwento pa ni direk.

Pero mababait daw lahat ang limang aktres at nag-enjoy daw siya working with them.

Showing na ang Abay Babes ngayong Sept. 19 under Viva Films.