Abante Tonite Interactive

Jolo sangkot sa hiwalayang Rhian-Jason?

By
0 4,374

Usap-usapan ngayon ang paghihiwalay nina Rhian Ramos at ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Jason Choachuy.

Matapos ang tatlong taon na relasyon ay inamin ng aktres ang pakikipag-split sa isang eksklusibong interview sa GMA anniversary thanksgiving party noong July 6.

Anyway, isinasangkot ang pangalan ni Vice Governor Jolo Revilla sa hiwalayan blues. Tanong ng netizen may kinalaman daw ba siya?

Naunang napaba­litang split na si Jolo Revilla kay Jodi Sta. Maria.

Maraming naiintriga sa mga post ni Jolo sa kanyang Instagram account na kasama si Rhian. Leading lady niya ito sa isang pelikula.

Nakukuha raw kasi umano ni Rhian ang atensiyon ni Jolo.

Unang caption niya @jolo_revilla, “Denise, wag ka makulit, kinikilig ako.” LOL. #tres #72hours”

Bukod dito, may nauna rin siyang post na magkasama sa photo. Ang caption @jolo_revilla, “United by one mission, torn by one truth. My leading lady in 72 hours, Ms. Rhian Ramos, showed her acting prowess as the stunning femme fatale Alexa Almario. Dun tayo sa babaeng hindi ka lang mamahalin, sasamahan ka pa sa mga laban mo.@whianwamos #72hours #imusproductions.”

Ilan sa reaksyon ng mga netizen sa kanyang IG account.

@x_am_xxi, “Goodness that big smile on your face sir jolo.. oh with the gorgeous rhian.”

@gugybuday, “@erialc01 wag n ntin icpin yan ag mahalaga mkatagpo c idol n la­laking totoo saknya deserves nya totoong lalaki n mgmamahal sknya.”

@jayme2484, “Kya pala uso na third ????”

@maricorz1828yahoo.ca.”Jolo hwag kang playboy ha,wala p sa kalingkingan ng Ramos n yan kay Jodi ha,duh 🙄Jodi,Jodi,Jodi.”

@jhessiaflores, “huy teka, bat kinilig ako? Hahahahaha ano ba.”

Samantala, itinanggi ni Rhian na nililigawan siya ni Jolo. Tinatawanan lang niya ang pagkaka-link niya sa actor-politician.