Abante Tonite Interactive

Joma, 7 pa kasama sa bagong terror list

By
0 148

Kabilang si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison at pitong iba pa sa bagong terror list na inilabas ng ­Department of Justice (DOJ).

Ito ang kinumpirma ng Manila Regional Trial Court Branch 19 batay umano sa inamyendahang petisyon na isinumite sa korte ng DOJ.

Nalaman na binalewala na ng DOJ ang nasa 600 listahan ng mga itinuturing na terorista at walo ­lamang ang itinira sa mga ito.

Nabatid kay Presiding Judge Marlo Magdoza-Salazar na bukod kay Sison, kasama sa bagong lista­han sina Jorge Madlos, Jaime Padilla, Francisco Fernandez, Cleofe Lagapon, Antonio Cabanatan, Leonido ­Nabong at Myrna Sulate na pawang mga lider ng makakaliwang grupo.

Nalaman din sa ipinalabas na resolusyon na may petsang Pebrero 1 na maaari umanong ipatawag si Sison at Cabanatan dahil napatunayan ng DOJ na may koneksyon ang mga ito sa CCP at New People’s Army (NPA).

Si Sison ay naka-exile sa The Netherlands at nanunungkulan naman si Cabanatan bilang secretary ng NPA Mindanao Commission.