Abante Tonite Interactive

Joma dapat nang umuwi — Malacañang

By
5

Sinusugan ng Malacañang ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison na bumalik na ng bansa.

“It is unfortunate he needs to be coaxed to return to his homeland, while his wounded comrades in the mountains in the Philippines are left ­dying only for our soldiers to rescue and accord medi­cal care,” ayon sa ipinalabas na statement kahapon ni Presidential spokesperson Ernesto Abella.

Ginawa ni Abella ang pahayag matapos na mag-post sa Facebook page si Sison ng mensahe na: I do not have to prove again that I have the revolutionary will and courage to wage armed struggle against oppression.”

Paliwanag ni Abella na dahil sa pahayag ni Sison ay lalo lamang nitong ipinakikita na wala siyang alam sa nangyayari sa NPA na nalilihis na ang paniniwala kaya nasasangkot na iba’t ibang krimen.

“Mr. Sison apparently took to the soft life in Europe leaving his comrades to fend for themselves. No wonder they are only too eager now to demand their unearned portions,” ayon pa kay Abella.