Abante Tonite Interactive

Joma handang ipagamot ni PDuterte

By
6

Muling inanyayahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison na umuwi ng Pilipinas at nakahanda umano siyang ipagamot ito sa dinaranas na karamdaman.

“So but my offer to Sison stands. He can come here in peace. I will guarantee safety and I will even underwrite his hospitalization.

Hindi ko siya aarestuhin,” sabi ni Pangulong Duterte sa press conference sa F. Bangoy International Airport, Davao City nitong Martes, Mayo 16, ngayong taon matapos ang official visits nito sa Cambodia, Hong Kong at China.

May sakit si Sison kaya hindi niya ito ikukulong kapag lumapag sa bansa.

Kung sakali man umanong gusto pang bumalik uli ni Sison sa Norway ay hindi ito hahadlangan ng Pangulo.