Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Joma ibalik sa ‘Pinas

0 92

NANAWAGAN at pinaalalahanan ng grupong Yes for Peace-Bayanihan ng Bayani (Y4P-BnB) ang pamahalaan ng Netherlands na ang pagkakanlong nito sa lider ng teroristang-komunistang samahan na Communist Party of the Philippines, New People’s Army (CPP-NPA) na si Jose Maria ‘Joma’ Sison sa kanilang bansa ang nagbubunsod ng karahasan sa Pilipinas.

Sa isang liham ng non-goverment organization na Y4P-BnB kay Dutch Prime Minister Mark Rutte na ipinadala noong Hunyo 28 sa pamamagitan ni Ambassador to the Philippines na si Robert Brinks, isinaad ng grupo ang pagkadismaya nito sa patuloy na pagkakanlong ng Netherlands kay Sison.

Sinabi ng grupo na malubhang nakakapinsala na ang mga karahasan na hinahasik ng NPA, ang armadong grupo ng teroristang CPP.

“Aming tinutukoy ang patuloy na paglabag sa karapatang pangtao at sa international humanitarian laws ng New People’s Army sa pag-uutos ni Jose Maria Sison, ang nagtatag ng Communist Party of the Philippines,” ang nakasaad sa sulat na isinalin sa salitang tagalog.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi rin maintindihan ng Yes for Peace kung bakit patuloy pa ring binibigyan nito ng proteksiyon si Sison.

Noon lamang Pebrero, sabi ng grupo,na ang European Union (EU) ay muling iginiit na ang CPP-NPA ay kabilang sa listahan ng mga terorista sa mundo, sa pamamagitan ng EU Council Implementing Resolution 2021/138.

Ang America, United Kingdom, Austalia, Canada at New Zealand ay ilan lamang sa mga bansa sa mundo na idineklara nang mga teroristang-komunista ang CPP-NPA ayon sa Y4P-BnB..

Leave A Reply

Your email address will not be published.