Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Joma litisin sa ‘Pinas-NTF- Elcac

0 66

ITUTULAK ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa Dutch government ang pagpapa- deport kay Jose Maria Sison, ang founder of Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), upang maibalik dito sa Pilipinas at malitis sa mga kasalanan ng kanyang itinatag na samahan sa mga paglabag sa International Humanitarian Laws (IHL), kabilang ang pagpapasabog ng Anti-Personnel Mine (APM) ng mga NPA na ikinamatay ng football player na si Keith Absalon, ng kanyang pinsan at 16 na taong gulang na kamag-anak.

Sa lingguhang ‘virtual’ na balitaan sinabi ni Usec. Nonoy Catura, tagapagsalita ng task force sa larangan ng Human Rights, na dadalhin nila ang panawagan sa United Nations, lalo na sa Ottawa, Canada kung saan may nakatakdang pagpupulong na gagawin hinggil sa Anti-Personnel Mine (APM) Treaty Convention na inilatag pa noong 1997 na siyang nagbabawal ng paggamit ng APM lalo na ng mga teroristang grupo.

“All European nations, including the Netherlands, have ratified and acceded to this (banning of APM),” ang sabi ni Catura, na ipinupunto ang pananatili ni Sison sa Netherlands sa umano’y panggigipit sa kanya ay puno na ng kapalpakan dahil patuloy itong naguutos sa CPP-NPA-NDF at kanilang mga front organizations na magsagawa ng pag-atake gamit ang mga APM bilang opensa sa mga tropa ng pamahalaan at kalimitan ay nakadadamay ng mga sibilyan.

Dagdag pa ni Catura ang maling pagpatay kay Keith Absalon at kanyang pinsan gamit ang pinasabog na APM ay magsisilbing susi upang maging pang-daigdigan ang kanilang panawagan na maibalik si Sison sa bansa upang harapin ang mga ganitong kaso ng karahasan. Maaari na nga raw tawagin din na ang APM ay “Absalon Precedent in Masbate”, na tumutugma sa panawagan sa hustisya para sa mga kagagawan ng CPP-NPA-NDF

Si Undersecretary Lorrraine Badoy naman na taga-pagsalita ng NTF-ELCAC para sa Social Media Affairs at Sectoral Concerns, ay nagsabi na dapat pati ang Makabayan Bloc sa Congress ay matanggal na din dahil ginagamit ng mga ito ang kanilang mga pwesto sa House of Representatives para lamang protektahan sang CPO-NPA-NDF at maging tagapagsalita ni Sison.

Samantala, si Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr. Commander ng South Luzon Command (SoLCom) na siyang nangunguna sa pagtugis sa NPA na responsable sa pagpatay kay Absalon ang nagsabi naman na ang pagsuko ng karamihan sa mga teroristang-kumunista ang dahilan ng mga NPA na gumawa ng mga pagpatay upang maiparamdam na kaya pa nilang labanan ang pamahalaan sa pamamagitan ng paggamit ng mga APM.

Iminungkahi naman ni Brig. Gen. Joel Alejandro Nacnac, Director ng AFP Center for Law of Armed Conflict na “panahon na uang magsagawa ng pangbansang kampanya laban sa paggamit ng APM ng mga terorista “, dahil di lamang ang mga unipormado ang napapatay at nasusugatan nito. Maraming sibilyan na ang mga naputulan ng mga bahagi ng kanilang katawan dahil sa APM ang inihalimbawa ni Nacnac.

Si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., na vice-chairman din ng NTF-ELCAC, ay ipinagdiinan naman na dapat malitis si Sison at ang mga teroristang-komunista sa mga paglabag nto sa mga IHL at sa pangyayari sa Masbate.

Leave A Reply

Your email address will not be published.