Joma singilin sa mga kasalanan – Duterte
Panahon na para mapanagot sa kanyang mga kasalanan sa batas si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison.
Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng maraming bilang ng pinapatay ng New People’s Army (NPA) na mga sundalo, pulis at mga lokal na opisyal.
Sinabi ng Pangulo na kapag mga NPA ang napapatay ay agad na nagrereklamo ng human rights violation.
Dapat aniyang litisin na si Sison dahil sa mga kasalanan nito sa bansa at sa pagiging terorista nito.
Katunayan, ayon sa Pangulo ay lumiliit na ang mundong ginagalawan ni Sison dahil sa dami ng mga kasalanan nito.
“Sison should face a trial sa – talagang ‘pag nahuli. Sison is a terrorist and as a terrorist, wala nang.. .Ako, I do not see any leeway or enough elbow room for him to move around,” sabi ng Pangulo.
Inakusahan ni Pangulong Duterte si Sison na nakikipagsabwatan sa oposisyon at kay Senador Antonio Trillanes IV para pabagsakin ang gobyerno.