Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jon ligtas na sa COVID-19

0 160

NI: ROLDAN CASTRO

Mahaba ang post ni Jon Lucas sa Facebook pagkatapos tamaan ng Covid-19. Si Jon ay dating Hashtag member na lumipat sa GMA 7 pagkatapos magkaroon ng baby.

Heto ang caption niya:

“My New Era General Hospital Story ☺️

3 days ako nag stay sa NEGH. Kasi doon sa rapidtest ko nag positive ako. Opo alam naman natin po at ng karamihan na hindi siya accurate para madetect yung virus.

“Minsan daw kahit negative ka pwede ka mag positive. Minsan naman daw positive ka pero negative ang lumalabas. Ang lumabas don sa result ko “29 days onwards recovery” parang papagaling na yung infection sa katawan ko. Meaning parang dumaan lang siya.

“Pero aaminin ko may mga times na inuubo ubo ako at nilalagnat. Pero dahil nga marami rin tayo ganap kahit nasa bahay lang iniisip ko nalang na baka pagod lang ako.

“Tsaka syempre nawawala wala po agad dahil nga tayo ay may gabi gabing pagpapanata sa Panginoong Diyos. Ayun hanggang nung lunes nagpatest na ako sa NEGH yun nga ang lumabas may past infection ako. Kaya naadmit ako sa NEGH hanggang sa dumating yung result ng Swabtest ko. (Mas kayang madetect ng swab si Covid) 2-3 days bago lumabas yung resulta.

“Habang naghihintay ng resulta, doon sa NEGH lahat ng nakakasalumuha ko don lahat may COVID. kasi di lang sila sa Rapid nag positive, kundi pati sa swab test nakakailang test na sila laging positive ang lumalabas. Ibig sabihin po meron talaga silang mga karamdaman pong taglay.

Related Posts

“Ayun na nga so 3 days kami magkakasama don, syempre bilang ako bago lang don diko alam anong klaseng sakit ba to. Diba pag nanonood ka sa social media talagang matatakot ka. Kasi nga ang dami na rin talagang pinatay ng sakit na ito.

“Pero doon sa NEGH bago ka pa man din maadmit, paulit-ulit ng ipapaunawa sa’yo ng mga Ministro na nandon, ang paulit ulit din na binanggit ng Diyos para sa mga lingkod niya na “Huwag kang matakot”. Kahit yan lang daw baunin mo sa araw araw hindi ka na raw mawawalan ng pag-asa. Eh kaso meron pang mga kasunod na pangako ang Diyos eh dba po, tulad ng “Hindi kita pababayaan” “Pinili kita” “Sa panahon ng pagsubok bibigyan kita ng lakas para mapagtagumpayan mo ito”. Bat nga naman tayo matatakot?

“Opo totoo po na pinag-iingat tayo ng Pamamahala para makaiwas tayo sa gantong karamdaman. Kasi nga hindi natin alam kung sino ang pwede nating mahawa. Baka mamaya mga lolo, lola, tatay, at nanay natin na mga may ibang sakit na talaga at may edad na. Sila ang mahihirapan ng lubos sa karamdamang ito.

“Sa atin naman pong mga kabataan at medyo may lakas pa. Ang hiling lang talaga satin ay mag-ingat, Sumunod, magpasakop at pangalagaan pa ang sarili. 😊

“At diba naririnig nating lahat na sa NEGH ay sobrang daming gumagaling na COVID patient. Totoo po yon! Hindi po dahil sa magagaling ang mga Doctor don at mga nurses. Kundi dahil pinanghahawakan talaga nila ang mga salita ng Diyos na nakasulat sa bibliya. Halimbawa yung pagpapahid ng langis, utos ng Ama na kapag may karamdaman bago man dalhin sa hospital magpatawag muna ng matatanda sa Iglesia para mapahiran ng langis at maipanalangin sa Diyos.

“Everyday tuwing umaga, ginagawa yon don sa NEGH. Kahit hindi kapatid napapahiran at naipapanalangin. Kababayan man nating Katoliko, Muslim, Protestante andon lahat at lahat sila ay inaalagaang mabuti at sa awa ng Diyos ay marami sakanila ang gumagaling sa karamdaman.

“At hanap ako ng hanap kung anong ipapainom saking gamot don. Aba yung mga kasama ko don 14 days 19 days ng andon ang gamot lang pala eh MULTIVITAMINS na nabibili sa botika. Ayun tapusin ko na, sa awa at pagmamahal ng Diyos. Yung mga kasamahan nating 14 days 19 days ng andon. Kasama ko sila kagabi na natanggap ang resulta na ako po ay “NEGATIVE” sila naman po ay “RECOVERED” na mula sa sakit na yan 🙂 Hindi vitamins ang nagpagaling sa amin! Kundi ang Panginoong Diyos na pinakamapangyarihan sa Lahat!

“Kaya rin siguro ako napunta don para makita ko mismo kung ano ba talaga ang sitwasyon sa loob ng Hospital na may mga COVID patients. Para na rin maibahagi sainyong lahat ang pagtulong at pagmamahal ng mga Doctors, Nurses, medical staffs, mga Ministro at manggagawa natin sa mga kababayan nating naapektuhan ng COVID. Hindi sila takot! Hindi sila lumalayo sa mga pasyente, matibay ang pagtitiwala nila sa Diyos.

“At naniniwala rin ako na kaya tayo dumaraan sa gantong pagsubok ay para magliwanag tayo sa madilim na sanlibutan! Wala kang dapat katakutan Kapatid! Diyos ang nangako sa atin. Hindi niya tayo pababayaan kahit ano pang suliranin at pagsubok ang ating masagupa.

“Andito na ako sa bahay namin. Kasama ang mga mahal ko sa buhay. At muli, maisasagawa namin ang sama samang pagsamba sa ating Panginoong Diyos. Ito ang kwento ko. Sa Diyos ang Kapurihan!,”pagwawakas ng aktor.

Leave A Reply

Your email address will not be published.