Abante Tonite Interactive

Jona kawangis ni Mystica

By
3,850

Mula sa Society of Philippine Entertainment Editors ang major, major winners sa pa­ngalawang Eddy’s ay sina Aga Muhlach, best actor, Seven Sundays at Mary Jane Apostol, best actress, Birdshot.

Best supporting actresses ang nag-triple tie na sina Angeli Bayani, Maestra, Chai Fonacier, Respeto at Therese Malvar, Ilawod.

Best Supporting Actor si Dido dela Paz para sa Respeto. Ang pelikula rin ang Best Picture pero si Mikhail Red ang tinanghal na Best Director para sa Birdshot.
Masasabi nating para sa taong ito, unpredictable ang mga major winner sa Eddy’s. Ibang-iba ang kanilang pihikang panlasa.

Ang diva that you love, sobrang masaya sa panalo nina Apostol, ang triple tie beauties na ngayon lang ata nangyari at kay Dido. Nawa’y ang mga karangalang inuwi nila ay magbigay ng mas maraming proyekto para sa mga artistang ito.

For added estrella value, Icon Awards ang binigay para kina Nora Aunor, Charo Santos Concio, Eddie Garcia, Gloria Romero, Susan Roces at Maricel Soriano.
Bongga na ang last two living legends, si Manoy Eddie at Manang Gloria ay inuluklok na bilang Icons.

Si Inay Marya ang may prepared speech na may pa-kwela, kunyari nabibigla sa mga sinasabi at emosyonal lalo na sa pag-alala niya kay Comedy King Dolphy.
Pero walang tatalo sa Superstar. Si Ate Guy, naisingit pa talaga ang promo para Unanay, huh! Iba!

Ang mas kakaiba, si Jona, na nung madilim pa sa entablado, pahulaan kung sino siya.

Nung lumiwanag na, hindi ko kinaya ang styling ni Viray. May full bangs, pulang gown at ang kawangis niya, si Mystica. Pwede na silang mag-ina! At parang mas matangos na naman ang ilong nitong si Jona, huh!

Ipagbawal ang pagbabawas ng sinehan sa PPP

Pinakilala na ang mga pasok sa banga sa Pista ng Pelikulang Pilipino. Ang mga kasali ay ang pelikulang tungkol sa extra-judicial killings, Madilim Ang Gabi.

Dalawa ang pelikula ni Direk Jason Paul Laxamana, ang musical at coming of age tale na Bakwit at ang balik tambalan nina JC Santos at Bela Padilla, ang romantic dramangThe Day After Valentine’s. Ang drama talaga, ang Signal Rock.

May action rin, ang We Will Not Die Tonight. Ang co­medy entry ay Unli Life. Ang romantic comedy naman ay Ang Babaing Allergic Sa Wi-Fi.

Maganda ang film line up ngayong taon. Kaya sana, marami ang sumuporta at yumakap sa pelikula lalo na nga’t ang Cinemalaya 2018 ang susundan nila.

Ilang pang sana para sa PPP. Sana, maliban sa bawal ang banyagang pelikula sa panahon ng isang paparating na festival, ipagbawal rin ang pagbawas sa mga sinehan para sa pelikulang nagdadalawang isip pa ang mga manonood.

Dapat mula simula hanggang sa matapos ito, ilaban at pagmatigasan ang patas na bilang ng mga sinehan sa pelikulang mapipili. Malakas man ang isa o dalawang pelikula, hindi dapat dagdagan ang kanilang mga sinehan. Dapat pantay-pantay pa rin ang hatian sa mga cinema house.

Hindi dapat maging sliding showings ‘yung mga hindi tatauhin. Mas lalong hindi sila dapat babawasan ng mga sinehan.

Dapat ang in house PR ng pamunuan ay aktibo sa paghahatid ng magagandang balita sa mga pahayagan, entertainment portal at blog, radio show at news program.
Sana, tulungan nila ang mga pelikulang hindi sapat ang kakayahan para sa publisidad.

Mas mara­ming payanig at paandar kailangan dahil nga ang susundan ng mga pelikulang ito ay isang pangma­lakasang film festival para sa mga independent film.

Huwag sanang maumay ang mga manood at nawa’y may sapat pa silang budget para panoorin ang mga PPP offering.