Abante Tonite Interactive

Jones kinarga ang TNT kontra Alaska

349

Super import!

Muling rumatsada si Terence A­lexander Jones para sa TNT Ka-Tropa, Sabado ng gabi kumontak ng 43 points at 22 rebounds upang higupin ng Texters ang Alaska Milk via 99-85 win sa PBA Commissioner’s Cup elims sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Inakbayan ng TNT asa two-way tie lead ang bakanteng Blackwater sa malinis na barahang 2-0 at pinadausdos ang biktima sa solo fifth sa 1-2.

May 41 markers at 14 boards ang NBA veteran mula sa Houston Rockets sa kanyang debut game nitong Miyerkoles sa Ynares Center sa Antipolo City nang hakbangandin din ng KaTropa ang NLEX, 102-87.

Sumaklolo ng 14 at 11 pts. sa super import sina Jayson Castro at Anthony Semerad, ayon sa pagkakasunod.

Tanging pag-aalsa ng mga maggagatas ang apat na puntos na bentahe sa opening quarter sa pag-iskor nina Simon Enciso at JVee Casio 4-0, at sa 6-2 sa basket ni Daniels. Pagkaraan ang TNT na ang nagdikta sa labanan sa pagdistansya ng hanggang 19 sa final period.

Gaya sa pagsisiw kay Curtis Wa-shington, nilamon ding buung-buo ni Jones si Alaska counterpart Robert Christopher ‘Chris’ Daniels na nakalagok lang ng 23 pts. at 19 rebs.

Ang iskor:

TNT KaTropa 99 – Jones 43, Castro 14, Semerad A. 11, Pogoy 9, Rosario 8, Heruela 7, Trollano 4, Taha 2, Williams 1, Semerad D. 0, Casino 0.

Alaska Milk 85 – Daniels 23, Casio 22, Banchero 12, Racal 8, Pascual 7, Teng 5, Enciso 4, Thoss 2, Cruz 2, Exciminiano 0, Baclao 0, Galliguez 0, Ayaay 0.

Quarters: 24-23, 50-48, 73-63, 99-85. (Lito Oredo)