Abante Tonite Interactive

Jones: Mahal ko kayo!

427

Nakantiyawan, ‘nabugbog’, natalo!

Sa kabila ng lahat ng ito, inilabas ni TNT KaTropa Terrence Jones ang pasasalamat at pagmamahal niya sa Pilipinas sa ilang buwang pananatili rito para kumampanya sa 2019 PBA Commissioner’s Cup na pinagkampeonan ng San Miguel Beermen nitong Biyernes nang gabi.

“Everybody was so warm and welcoming, just appreciative of me being here,” emosyunal na sabi ng Best Import awardee matapos ang Game 6.

“I love being here, I love having my camp for kids, giving back to the community, even if I don’t play I definitely want to come back. Overall it was a great experience for me.”

Ayon kay Jones, susubukan naman niya ngayon ang kanyang kapalaran na makabalik sa NBA.

Pero hinding-hindi niya makakalimutan ang Pilipinas dahil ang misis niya ay isang Pinay.

“To be able to bring my f­amily here, my son, to show him his culture, his background, of him being a Filipino. It’s something I’ll never forget as a father, just being here to represent the US, my f­amily, my mother to be here to learn a lot was a great experience,” sabi pa ni Jones.