Abante Tonite Interactive

Jones, Mitchell tampok sa salpukang TNT-NLEX

397

‘Di pa tumataas ang bola sa opening tipoff ng PBA Commissioner’s Cup, nag-detour na agad ang NLEX kay Tony Mitchell.

Anang team, ‘di pa nagpapakita ang d­ating i­mport ng Magnolia bagama’t tapos na ang kampanya nito sa Taiwan Super Basketball League.

Nagagahol na sa oras, binitawan ng Road Warriors si Mitchell at tinapik si Curtis Washington, ang 6-foot-10 American na produkto ng Georgia State.

Nakapaglakbay na si Washington sa paglalaro sa Australia, Thailand, Malaysia, New Zealand, Saudi Arabia, Dominican Republic at Canada.

Pinakahuli niya sa Bahrain Premier League kung saan nag-average ng 31 points at 19 rebounds per game.

“He’s also in good shape because he’s also actively playing and based on the films, I think he will be a natural fit for our team,” pahayag ni NLEX coach Yeng Guiao.

Matatasahan si Wa-shington sa unang laro ng Road Warriors kontra TNT KaTropa sa nightcap ng double-header mamaya sa Ynares Center sa Antipolo.

Curtain-raiser ang bakbakan ng Alaska at NorthPort.

Tulad ni Washington, bagito sa PBA ang ipaparada ng KaTropa na si Terrence Jones.

Parehong 27-anyos ang dalawang reinforcements, pero mukhang mas matikas ang resume ni Jones. (Vladi Eduarte)