Abante Tonite Interactive

Jordan Clarkson inspirasyon ng lahing Filipino!

1,096

HINDI maipagkakaila ang puso at pagmamahal ni Jordan Clarkson para sa mga kadugo nitong Filipino.

Kinakitaan ng pagpapaha­laga ang Filipino-American na si Clarkson na isinilang sa Tampa, Florida bago lumipat sa San Antonio, Texas noong edad anim sa matinding pagnanais nitong matulungan ang pambansang koponan ng basketball na kasalukuyang lumalahok sa 18th Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Hindi ininda ng 26-anyos na si Clarkson ang malayong biyahe mula sa Texas patungong ­Singapore, bago muling bumiyahe pa-Indonesia upang saluhan ang kanyang mga kaibigan at kasamahan na bumubuo sa ilang linggo lamang na binuong Team Pilipinas sa paglahok sa kada apat na taong torneo.

Ikinatuwa ni head coach Joseller ‘Yeng’ Guiao ang ma­tinding pagnanais ng dating Los Angeles point guard na nalipat kamakailan sa Cleveland Cavaliers, na makalaro sa Pilipinas na itinuturing nitong isang pagpapakita ng pagpapahalaga sa lahing Filipino.

“Nakaka-inspire iyong kagustuhan niya na maglaro para sa national team,” sabi ni Guiao. “Iyong iba nga eh, kinukuha mo na pero ayaw pa rin maglaro. Siya (Clarkson) mataas na ang level pero mas gusto pa niya maglaro for our flag and country,” sabi ni Guiao.