Abante Tonite Interactive

Jordan Clarkson, laban talaga!

By
1,373

Napanood natin lahat ang laro ni Jordan Clarkson, na miyembro ng Team Pilipinas na lumalahok sa Asian Games sa Jakarta, Indonesia. Wala tayong masabi sa lehitimong NBA player na ito.

Nakita natin ang kanyang laro, ang kanyang mga galaw, ang mga tira niya mula sa 3-point area.

Napakaganda ang laro niya. Ang kanyang mga numero ay 28 puntos noong laban kontra China at 25 points kontra Korea. Sa Japan naman, naka-22 puntos, 6 na rebounds at 9 na assists.

Panay pasa niya kay Christian Standhardinger kaya nakapuntos naman ito ng 27 kontra Japan.

Kontra China na pinapangunahan ng mga NBA player na si Zhou Qi ng Houston Rockets at Ding Yanyuhang ng Dallas Mavericks, gumawa naman si Jordan ng 28 puntos, 8 rebounds, 4 assists at 2 steals.

Ngunit nasilat tayo sa China sa score na 82-80. Dalawang minuto rin nakaupo si Jordan noong last quarter dahil tinamaan siya ng cramps.

Kontra Korea naman, gumawa ng 25 puntos si Clarkson. Ngunit maganda ang ginawa ng Korean coach na si Hur Jae, isa sa pinakamagaling na manlalaro noong dekada nobenta.

Noong 3rd quarter, lamang pa rin ang Pilipinas ng 8 puntos, si Coach Hur Jae, sinabihan ang mga matatangkad niyang manlalaro na tumayo sa ilalim ng basket para i-challenge ang mga mismatch at para makuha ang offensive rebounds. Kung hindi nila kaya i-shoot ang bola, ‘i-kickout’ nila ipasa sa player na libre.

Dahil dito, mara­ming tres ang nai-shoot ng mga manlalaro ng Korea at nagkaron tayo ng 4 turnover. Natalo ang ating koponan ng 9 puntos, 91-82.

Kontra Japan naman, gumanti ang Pilipinas at tinalo natin ng 33 puntos, 113-80.

Kulang ang mga manlalaro ng Japan kasi 4 sa kanila ang pinauwi dahil sa sex scandal ng mga manla­laro. Hindi rin nag­laro ang dalawang maga­ling na player na si Nic Fazekas at 6 ft 11 player na si Rui Hachimura.

Ang pagsali ng legit NBA player na si Jordan Clarkson sa Pilipinas ay napala­king bagay dahil ito ay nagbibigay ng saya at pride sa bawat Filipino dito sa bansa at ang milyon-milyong OFW, mga construction worker at domestic helper sa buong mundo.