Abante Tonite Interactive

Jordan GOAT ng collegiate; Ako dapat– Abdul-Jabbar

550

Natawa si Kareem Abdul-Jabbar sa resulta ng poll ng Sports Center nang ideklara si Michael Jordan bilang Greatest Of All Time college basketball player.

Si Jordan, naglaro sa North Carolina, ang nakakuha ng pinakamataas na fan votes sa social media. Naungusan niya si Larry Bird ng Indiana State.

“And the winner of the college basketball GOAT bracket is … Michael Jordan,” tweet ng Sports Center.

Mukhang hindi sang-ayon dito si Abdul-Jabbar, may one-word (o four-letter?) reply siya.

“LMAO,” simpleng sagot ng 72-anyos na Lakers great.

Bago nakaanim na titulo sa NBA, binitbit ni Abdul-Jabbar ang UCLA Bruins sa tatlong NCAA Tournament titles.

Ferdinand Lewis ‘Lew’ Alcindor Jr. pa ang gamit na pangalan ni Abdul-Jabbar noon nang balikatin ang Bruins dynasty. Tatlong beses din siyang tinanghal na Consensus National Player of the Year, tatlong beses naging Final Four Most Outstanding Player, at three-time All-American.

NCAA champion si Jordan noong 1982, nakatatlong seasons bilang miyembro ng Tar Heels, consensus national player of the year noong 1984.

Sa listahan ng Sports Center ay seeded No. 1 si Abdul-Jabbar, kasama sina Christian Laettner ng Duke, Bill Walton ng UCLA at Breanna Stewart ng UConn.

Naungusan pa si Kareem ni 9th seed Shaquille O’Neal ng Louisiana State U.

No. 2 seed si Jordan, third sina Bird at Magic Johnson ng Michigan State.

Si Jordan ang kinokonsiderang GOAT sa NBA, malamang ay dito nahatak ang voters.

Sina LeBron James at Kobe Bryant? Pagkatapos ng high school ay rekta sa NBA, tulad ni Kevin Garnett. (VE)

Tonite – Wendys Inhouse Ad