Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jordan ipipilit sa World Cup

0 64

PIPILITIN ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na maisama si Filipino-American at National Basketball Association (NA) star Jordan Clarkson bilang isang local player sa FIBA World Cup 2023.

“We continue to press it. Kasi we have gotten some vital information that some teams na may passport na nakakuha beyond 16. For some reason we want to understand what happened there,” sabi ni SBP president Al Panlilio Sabado sa programa na Power and Play ni Noli Eala.

“We are looking at other situations that can help us, but at the end of the day, these guys are Filipinos, they have in their blood, so we continue to push our justifications to FIBA,” sabi pa ni Panlilio.

SM food to go Banner Ad

Aminado mismo si Clarkson na mayroon na ito mismong passport bilang isang Pilipino bago pa ito mag-edad 16 subalit patuloy itong hindi pinapayagan para makapaglaro ng FIBA.

Malaking tulong sa Pilipinas kung makakapaglaro si Clarkson, na Sixth Man of the Year ng nagdaang NBA season para sa Utah Jazz.

Naglaro din ang Fil-American guard sa national team noong 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia na una nitong pagkakataon sa koponan na tumapos na ikalimang puwesto.

Bilang isa sa tatlong host na bansa ay kuwalipikado na ang Gilas sa 2023 FIBA World Cup bagaman sasali pa rin ito sa mga laro upang magamit ang oportunidad na madebelop ang pambansang koponan sa mga Asian qualifier kung saan makakasagupa nito sa Group A ang New Zealand, Koreaat India. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.