Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jordan, Jazz deretso sa 9

0 67

Naiwan sa first 24 minutes ang Utah, nang magising pagbalik mula sa break ay tinapakan ang gasolina at nagtuloy para ibaon ang New York 108-94 sa 2021 NBA regular season game Martes ng gabi sa Vivint Smart Home Arena sa Salt Lake.

Malamig si Donovan Mitchell, inako nina Rudy Gobert, Royce O’Neale at Mike Conley Jr. ang atake ng Jazz.

Tumabo si Gobert ng 18 points at 19 rebounds, may 20 points si O’Neale.

Nag-ambag pa si Conley ng 19 points, mainam na 13 off the bench kay Fil-Am Jordan Clarkson at pinahaba ng Utah ang sunod-sunod na panalo sa siyam na laro para sa 13-4 record, binalya ang karibal sa 8-11.

Sa bihirang pagkakataon, naghabol ang Jazz ng double-digits 59-46 sa halftime, pero mula roon ay na-outscore ang Knicks 62-35. Higit doble ang output ng Utah sa fourth quarter 28-13. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.