Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jordan jersey P15M presyo

0 152

Umukit ng record ang 1984 “signing day” number 23 jersey ni National Basketball Association (NBA) legend Michael Jordan na umabot sa halagang $320,000 (15.3M) sa isang online auction.

Rekord ito para sa naisuot na jersey ni Jordan, ayon sa Julien’s Auctions.

SM food to go Banner Ad

Bukod sa jersey ng six-time NBA champion, pumalo rin ng record ang jerseys nina former National Football League (NFL) stalwart Colin Kaerpernick at dating US President Barack Obama.

Naibenta sa halagang $128,000 ang San Francisco 49ers rookie number 7 shirt ni Kaerpernick na kanyang ginamit sa NFL debut noong 2011 at nag-set ng pinakamahal na NFL jersey record na naibenta sa auction.

Nagkapresyo naman ng $192,000 ang high school basketball jersey ni Obama na kanyang sinuot sa senior year sa Punahou School bilang parte ng 1979 Hawaii State Champion boys’ varsity team – bagong record para sa isang high school jersey. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.