Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jordan mas mahusay kay James – Murray

0 76

Nganga si LeBron James ng Los Angeles Lakers kumpara sa itinuturing na GOAT na si Michael Jordan kung si Jamal Murray ng Denver Nuggets ang tatanungin.

Kahit hindi naabutan ni Murray ang paglalaro ni Jordan sa NBA, naniniwala siyang mas higit ang husay ni His Airness kaysa sa nakakalaban niyang The King na nagpalipat-lipat ng team.

“Denver Nuggets guard Jamal Murray apparently agrees with the opinion of Hall of Fame center Hakeem Olajuwon that the legendary Michael Jordan was better than james” nakasaad sa isang artikulo sa America.

Ipinanganak si Murray noong February 1997, kaya naging basehan nito ang husay ni Jordan sa mga napapanood sa video at highlights sa YouTube.

Ito’y kahit na niligwak ng Lakers at ni James ang koponan ni Murray sa Western Conference Finals ng 2019-20 NBA season. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.