Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jordan papasiklab sa Lakers

0 56

May final answer na: DeAndre Jordan sa Lakers.

Kinumpirma ni basketball operations vice president at general manager Rob Pelinka nitong Huwebes na pumirma na ang veteranat all-star center sa Los Angeles.

Hindi binalatan ang detalye ng deal.

Hindi na kuntento si Jordan sa minuto niya sa Brooklyn Nets.

“The biggest elephant in my room: Jordan allegedly told those around him that he didn’t come to Brooklyn to be Jarrett Allen’s backup,” ulat ni Anthony Puccio ng TheAssociation.com.

Ang tanong ay kung makukuha ni Jordan, 33, ang minuto sa purple and gold. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.