Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jordan sa Gilas

0 43

Swak para sa listahan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) para sa special round ng Virtual 36th Philippine Basketball Association (PBA) Draft 2021 sa March 9 sina incoming rookie Jordan Heading, Tzaddy Rangel at Jaydee Tungcab.

Isiniwalat ng national governing cage body nitong Biyernes ang tatlong pangalan na isasahog para sa Gilas Pilipinas training pool.

Si Heading na isang Fil-Australian ay tubong Adelaide, at 6-foot-2 guard na beterano ng 10th ASEAN Basketball League (ABL) 2019-20 na lumaro sa San Miguel Alab Pilipinas.

Makakasama ng tatlo sina Gilas pool full-time members at nabunot sa 2019 PBA Draft na sina Isaac Go, Matt Nieto, Mike Nieto, Rey Suerte, at Allyn Bulanadi.

Maghahanda ang pool para sa itatakda pang 30th International Basketball Federation (Fiba) Asia Cup 2021 Qualifiers third & final window sa February 18-22, pero kinansela na sa parehas na araw sa Doha, Qatar dahil sa COVID, tournament proper nito sa August 16-28 sa Jakarta, Indonesia at 19th Fiba World Cup 2023 na iho-host ng ‘Pinas kasama ang Japan at Indonesia rin.

“We were able to secure five players from the Gilas Draft in 2019 and we’re happy to welcome three additional talents in Jordan Heading, Tzaddy Rangel, and Jaydee Tungcab,” pahayag ni SBPI president Alfredo Panlilio. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.