Abante Tonite Interactive

Jordan saludo kina Harden, Westbrook

By
157

Saludo si Michael Jordan sa streak na 30 straight 30-point games ni James Harden, at sa 10 straight triple-doubles ni Russell Westbrook.

Napakahirap gawin nito, aniya.

Pero nitong Martes, pinagdiinan ng Charlotte Hornets owner na may isang bagay na mas mahirap gawin kaysa sa nilista na ng dalawa.

“Which is harder from the pla­yer’s standpoint? Six championships by all means,” nakangising pahayag ni Jordan.

Mahirap din naman kumpletuhin ang ginawa nina Harden at Westbrook, pinapakita lang nito ang lalim ng talento ng liga, dagdag niya.

“It shows progression in the league,” ani Jordan sa isang interview sa pasilidad ng Hornets habang naghahanda sa All-Star weekend.
“I am very proud of how both guys have done because they are making a mark for the league and I think it really helps grow the league.”

Injured ang kaliwang balikat ni Harden Lunes ng gabi pero napahaba pa rin ang kanyang streak sa 30 games, umiskor ng 11 sa final 100 seconds para ihatid ang Houston Rockets sa 120-104 win kontra Dallas Mavericks. Inekisan niya ang 30-point mark nang humaginit ang 30-foot pull-up jumper.

Kinubra naman ni Westbrook ang 10th straight triple-double sa isinumiteng 21 points, 14 rebounds at 11 assists nang bitbitin ang Oklahoma City Thunder sa 120-111 panalo kontra Portland Trail Blazers. Binasag niya ang da­ting record ni Wilt Chamberlain sa pinamakamahabang streak ng triple-double.