Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jordan sinilip si Pacquiao

0 138

Bigating mga pangalan at may tatak Pinoy ang bumisita kay eight-division world pro boxing champion Manny Pacquiao sa kanyang training kaugnay ng laban kay WBC at IBF welterweight champion Errol Spence Jr sa August 21 sa United States.

Sinadya Linggo (Lunes sa Maynila) sa Wild Card Boxing Gym ni Utah Jazz guard at NBA Sixth Man of the Year Jordan Clarkson ang Pinoy ring icon.

Nasa Instagram story ni Clarkson ang pagbisita sa Pambansang Kamao habang sa isang Facebook post naman ibinahagi ng basketbolista ang isang larawan kasama si Pacquiao at sina music artists Apl.de.Ap at J. Rey Soul.

Naunang dumalaw kay Pacquiao nitong Sabado si Australian social media star Alex Hirschi kasunod ni YouTuber-boxer Logan Paul. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.