Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jordan talsik kay Tyler

0 52

Inagaw ni Tyler Herro ng Miami kay Jordan Clarkson ng Utah ang NBA Sixth Man of the Year award.

Inihayag ng liga nitong Martes na siya ang runaway winner top sixth man ng 76th o 2021-22 season – unang player ng Heat na nag-uwi ng award.

Nag-average ang workhorse ng 20.7 points bilang reserve, instrumento kaya naging top seed sa East ang Miami.

Bago ang season, inabisuhan ng team si Herro na mawawala sa starting lineup.

“I accepted the sixth man role for a reason,” aniya. “I wanted to be the best sixth man in the league.”

Tumanggap ang awardee ng 96 first-place vote mula sa 100 sportswriter at broadcaster na mga nagku-cover sa liga at bumuboto sa season-ending awards.

Naungusan niya sina runner-up Kevin Love ng Cavaliers at third-placer Cameron Johnson ng Suns. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.