Abante Tonite Interactive

Jordan, Wilkins muntik magkrus uli sa Celtics

0 532

Maaring parehong nakinabang sa isa’t isa ang Chicago at Boston kung nagkatuluyan sa isang negosasyon bago magbukas ang National Basketball Association (NBA) noong Hulyo 1992 sina Bulls general manager Jerome Richard ‘Jerry’ Krause at Celtics GM Michael Leon ‘M. L.’ Carr.

Magbabalik sa liga si Michael Jordan mula sa retirement para mapunta sana sa Boston, makakasama ang kapwa great player at entertainer doong si Dominique Wilkins.

Ang dalawa ang naging mahigpit na karibal sa 1985 at 1988 slam dunk contest kung saan namayagpag si Wilkins noong 1985 bago nakaresbak si Jordan tatlong taon makaraan sa kapana-panabik na parehas nilang dakdakan.

Binunyag ni Carr na binuksan niya ang usapan kay Krause ang kahandaang pag-trade niya sa kanilang top pick para makuha si Jordan na nag-baseball muna.

Maraming katibayan si Carr sa pangyayari kahit dinedenay ni Krause nang mga taong iyon na may maasim relasyon sa team, lalo na kay coach Phil Jakson.

Naungkat ang senaryong ito pagkalipas ng 25 taon sa ‘The Last Dance’ documentary series ng ESPN/Netflix kay His Airness at sa Bulls.

“As I understand it, Jerry denied having the conversation, which is absolutely not true,” giit ni Carr. “We did have a conversation. I reached out to Jerry, realizing that Michael had left the game. I knew Michael was not gone forever.

“I offered Jerry a first-round draft pick [to simply talk with Jordan] and he goes, ‘Well, M.L., Mike is not coming back. He’s retired.’ Well, he is coming back. I think he is. But he denied the fact that I did that, I guess to save face with his owners.”

Nagbalik nga si MJ at kinumpleto ang ikalawang three-peat championships noong 1995-98 para sa Bulls. Tawa lang ang tugon ni MJ kapag nauuisa sa isyu. (RC)

Tonite – Wendys Inhouse Ad