Abante Tonite Interactive

Joross hinahanapan ng DOM si Sandara

648

Close pa rin si Joross Gamboa kay Sandara Park na ka-batch niya noon sa “Star Circle Quest” ng ABS-CBN.

Recently ay nagpunta si Joross sa South Korea kasama ng wife niyang si Katz Saga at ang dalawa nilang anak na sina Jace Kyler at John Kody, tapos ay mineet-up sila ni Sandara at fineature pa ni Dara sa YouTube channel nito ang bonding nito with Joross and family.

Kung si Joross ay dalawa na ang anak, si Dara ay loveless pa rin daw kaya natawa kami sa hirit sa amin ni Joross na, “Hinahanapan ko nga, eh.

Tulungan n’yo nga ako. Kahit DOM, bigyan na natin siya! Hindi, joke lang!”

Dara ibubugaw kay Alden

Isinadyest ng k­apatid sa panulat na si Ate Nitz Miralles kay Joross si Alden Richards bilang naka-bonding ito ni Joross sa Hong Kong nang gawin nila ang KathDen movie na “Hello, Love, Goodbye” at chummy sila ngayon ni Alden.

“Oo nga, ‘no? Puwede si Alden at saka si Sandara. Oo, maganda ang suggestion mo!” sey ni Joross, na natsika namin sa media launch ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.

Aniya, bet ni Dara ‘yung mga mukhang bata ang itsura, ‘yung tipong Mario Maurer, gano’n.

Binibiro niya raw ito na para itong cougar dahil magkaedad sila nito, 34-anyos at pareho silang magti-35 sa November.

27-anyos naman si Alden, na in fairness ay young looking kaya pasok ito sa tipo ni Dara kung itsura ang pag-uusapan.

“Ipagkokonek ko nga ‘yung dalawang ‘yon. Ibubugaw ko. Ako naman kasi, gusto ko ‘yung gano’n na nagiging kupido ako,” nakangiting pakli ni Joross.

At least, hindi siya mapapahiya kay Alden dahil bukod sa guwapo ito ay alam niyang mabait, base na rin sa na-experience niya nang magkatrabaho sila sa HK.

“Oo. At saka si Sandara, mabait. Wholesome,” sey ni Joross, na kasali sa PPP entry na “The Panti Sisters” na bida sina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario at Christian Bables.

Paano ‘yan, eh si Joross din daw ang source ng chika na nu’ng magkayayaan sila nina Alden at Jeffrey Tam (na co-star din nila sa “HLG” at ka-bonding sa HK) ay tinawagan daw ni Alden ang nali-link ditong si Winwyn Marquez at inimbitang sumama sa kanila?

“Hindi, nabanggit lang kasi niya (Alden) na isasama niya (si Winwyn) sa show ni Jeff Tam, kasi nanood kami ng show ni Jeff.

“So, ako lang parang, ‘Bakit?’ Eh kaibigan ko rin si Mark (Herras, na ex ni Winwyn), alam ko kaka-split lang nila. So, parang may naamoy ako (kina Wyn at Alden), pero wala naman pala yata. Hindi naman niya sinama,” sambit pa ng matsikang si Joross.

So, bakit ba wala pang dyowa si Dara hanggang ngayon?

“Mahigpit sa Korea kasi, eh. Iba ‘yung culture nila. Saka sa kanila raw pala, halimbawa naanakan ka, tapos wala kang asawa, parang ano na agad ‘yung career mo. May mga ganu’n sila. Seryoso.

“Tapos, sobrang wholesome nila na hindi magandang tingnan ‘yung nagkakaroon ka ng iba-ibang boyfriend. Kaya siya siguro naging sobrang ingat.

“Tapos, nu’ng panahon nu’ng prime niya na bagets siya, dalaga siya, maraming nagpaparamdam pero mahigpit ‘yung manager nila. Bawal silang mag-boyfriend.”

Wala raw kilala si Joross na Koreanong naging boyfriend ni Dara. Parang si Joseph Bitangcol pa raw ang huling naging boyfriend nito nu’ng “SCQ” days pa nila.

“Sana nga, hindi magsara!” natatawang banat sa amin ng malokong si Joross.

Hindi rin daw naging si Dara at ang Thai heartthrob na si Mario Maurer na sinubukan niyang ipag-match noon bilang naging ka-chummy rin niya si Mario, na nakasama niya sa movie nito with Erich Gonzales.

Nai-emote daw ni Dara kay Joross na ang bet daw ni Mario ay sexy na girl at fee-ling ni Dara ay hindi ito sexy.

So, puwede kayang i-push ang DarDen o AlDara?!

Ang nakikita lang problema ni Joross ay Korea-based si Dara at nandito naman si Alden, so paano raw magtatagpo ang dalawa?

“Medyo mahirap kung Pinoy dahil lilipad doon (sa Korea). Puwede naman si Alden, depende kung sinong mag-give in. I-push natin!” natatawang bulalas ng feeling matchmaker na si Joross.

Bukod sa “The Panti Sisters” ay may guest appearance din si Joross sa isa pang PPP 2019 entry na “I’m Ellenya L.” nina Maris Racal at Iñigo Pascual.
Nag-cameo raw siya rito bilang suporta sa kaibigan niyang direktor ng MarNigo movie na si Boy 2 Quizon.
POPS