Abante Tonite Interactive

Joross isang ‘butas’ na lang ang pinapasok

541

Sobrang nakakaaliw katsikahan ang versatile actor na si Joross Gamboa.

Present ang aktor sa announcement ng FDCP sa 10 official entries ng 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino dahil isa si Joross sa cast ng “The Panti Sisters” ni Direk Jun Robles Lana, starring Paolo Ballesteros, Christian Bables at Martin del Rosario.

Inusisa namin si Joross sa role niya sa pelikulang ito.

Tugon niya, “Karelasyon sa isa sa magkakapatid, kay Martin (del Rosario).

Tutulungan or tuturuan ko siyang makabuo ng baby. Kumbaga, isa akong supportive boyfriend, straight naman ako rito.”

In real life ba ay naisip niya ang sarili na magtuturo sa isang gay kung paano gumawa ng bata? “Actually, marami na akong tinuruan, eh. Gusto n’yo bang matuto? Tuturuan ko kayo, hahaha!” saad niya sa mga taga-press na katsikahan.

Paano niya tuturuan ang isang gay kapag gusto nitong makabuo ng bata? “Hindi, unang-una, dapat ay tama ang butas na papasukan mo, hahahaha! Baka kasi ‘yung isa ay one way, baka kasi may makasalubong… hahaha! Hindi loko lang,” nakangiting saad niya.

Siya ba, marami na talagang butas na pinasok? “Parang ilong na lang ang hindi ko pa yata napasok, hahahaha! Joke!” Nakatawang saad pa ni Joross.
Noong binata pa ang aktor, aminadong babaero ito.

“Ano na iyon, nakaraan na iyon… Seryoso na ako ngayon, isang butas na lang, isang butas! Hahahaha,” pahalakhak na sambit pa ng mahusay na aktor na mapapanood din sa Alden Richards-Kathryn Bernardo movie na pinamagatang “Hello, Love, Goodbye”. (Nonie Nicasio)