Abante Tonite Interactive

Joross naawa kay Kathryn

625

Kuwento ni Joross Gamboa, sobrang awang-awa raw sila sa lead actress nila sa “Hello, Love, Goodbye” na si Kathryn Bernardo dahil nga pinagbawalan silang mga cast na kausapin ang aktres habang nagsu-shoot sila sa Hong Kong.

Kapag tinitingnan nga raw niya si Kath kapag nasa shooting na nag-iisa, nakatingin din daw ito sa kanya na parang nagmamakaawa na kausapin niya.

“Siyempre, sumunod kami kay direk (Cathy Garcia-Molina) na medyo tinabla na muna namin si Kath,” ani Joross.

Ang ginawa nga raw nila ay parang sinasadya pa nilang palungkutin ito at talagang hindi nila sinasama sa grupo.

Kahit naaawa raw sila, siyempre ay gusto nilang makatulong din dahil kailangan daw maramdaman ni Kathryn ang feeling na nag-iisa na required sa cha-racter nito as Joy.

Pero ang lead actor na si Alden Richards ay puwede nilang kausapin at sila nga raw tatlo nina Jeffrey Tam ang magkakasama sa kuwarto for almost 3 weeks.

Dito raw nila nakita kung gaano kabait na tao si Alden na first time nilang nakatrabaho.

“‘Yung first (meeting) namin, parang close kami kaagad, eh,” sabi ni Joross.

Pagbibiro pa ng aktor, pagdating sa ‘Pinas ay gusto na nga raw nilang mag-live in na tatlo at hindi lang sila pinayagan ng kanilang asawa.

Ang komedyana namang si Lovely Abella ay nakaranas ng kagalantehan ni Alden during the shoot.

Kuwento ni Lovely, binigyan daw siya ng 500 HKD ni Alden para makasama sa workout with Kathryn sa HK. Namamahalan daw kasi siya dahil 295 HKD daw ang bayad kaya nang sabihin niya ito sa aktor ay bumunot agad ng pera at sinabihan siyang sumama na.

Sa kabuuan ay talaga raw nag-enjoy silang lahat sa bonding moments nila sa HK at kahit si Alden ay nagpahayag ding ito raw ang mami-miss niya sa buong journey nila sa HLG.

Mommy Pinty napundi sa basher ni Alex

Lumabas ang pagkamatapang ng ina nina Toni at Alex Gonzaga na si Mommy Pinty nang may basher na nanlait sa kanyang bunsong anak.
Nag-post si Alex ng larawan niya na kuha sa New York at sa caption, aniya, “missing the streets of NYC… Cathy Bradshaw wru na?”

Sa comment section ay may isang basher na nagkomento ng “ano ginagagawa ng palingkera popkpok sa New York bazura” na talagang hindi pinalampas ni Mommy Pinty.

“Haaaa sino ka!!! kawawa ka naman will pray for you baka sa inggit ano gawin mo sa sarili mo be happy girl,” sagot ni Mommy Pinty.

Sumagot din si Alex ng simpleng “pa-pan-sin” at inilagay pa niya sa Instagram Story niya ang screenshot ng comment ng basher. “Wag nyo ginagalit si #Ti-pints,” ang caption niya.

Inasar naman siya ng kaibigan niyang si Luis Manzano na nagkomento ng “Antay po green yung ilaw tapos atras ka po.”

Sinagot naman niya ito ng “@luckymanzano sarap mong itulak sa brooklyn bridge.”

Marami ang natuwa sa biruan nilang dalawa at may isang netizen na nagkomento ng “Cathy, crush ka siguro ni Luis kasi lagj ka inassar. And di ba nao offend bf mo kasi minsan yung biro nya sa yo medyo off for a girl.”
Sagot naman ni Alex, “one thing im proud of myself is di kasi ako napipikon talaga hehehe ang biro ay biro.”