Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Joross nawalan ng raket sa operasyon

0 66

Napaopera si Joross Gamboa matapos magtamo ng injury sa kanyang achilles kamakailan.

Reaksyon ng magulang niya na sina mommy Monet at daddy Nats sa Facebook, “Praise Jesus for a successfull surgery! Praying for your fast recovery Joross!

You may have lost projects because of this accident but good health is what’s more important in life. Health is wealth. Just look at the bigger picture.

Love & hugs ~ Pa&Ma”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakuhanan pa ng video pagkapilay ng aktor habang naglalaro ng basketball.

“Achilles Injury (Narinig mo yun?) Nagbasketball kami sa 3rd floor naglaro kaming 3vs3 tapos ‘yung pagtakbo ko biglang may pumutok na malakas (may napigtas). Alam niyo feeling ng may humampas ng dospordos sa binte malamang hindi basta parang ganun. Di masakit sa simula, gulat lang. Akala ko nga may multo nun kasi walang tao sa likod ko. Tapos dahan dahan ng sumasakit taas ng sakong ko. Ayun napigtas na nga Achilles ko,” sey niya sa IG.

Tips pa ni Joross, mag-stretching bago maglaro ng pisikal na sports.

Leave A Reply

Your email address will not be published.