Abante Tonite Interactive

Joross type gayahin si Paolo

326

Bumongga ang career ni Paolo Ballesteros dahil sa pagsho-showcase niya ng kanyang talento sa makeup transformation.

Katunayan, naging patok ang kanyang panggagaya sa mga kilalang celebrity locally at abroad.

Marami rin ang bumilib sa talento nito sa panggagaya ng hitsura.

Sa kaso ni Joross Gamboa, sobra raw siyang na-amaze sa talent ng Dabarkads host na bukod sa kakaiba ay bibihira.
Katunayan, kung bibigyan ng pagkakataon, gusto rin daw niya itong subukan.

“Feeling ko ang tagal ng proseso noon pero feeling ko kaya ko rin iyon,” aniya.

Ilang beses na ring nakaganap ng mga gay role si Joross sa pelikula at telebisyon at wish niya na makatrabaho si Paolo sa isang proyekto.

“I think, marami akong matututunan sa kanya pagda­ting sa makeup transformation,” pagwawakas niya.
Si Joross ay bahagi ng cast ng ‘Tol ng Reality Entertainment sa Enero 30.