Abante Tonite Interactive

Jose, atbp sa Pasay stagfest

0 170

May 59 entries ang Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) sa round three ng “2019 LGBA Breeder of Year” race sa Biyernes sa Pasay City Cockpit.

Sinimulan ang LGBA series nitong Sept. 6 sa mga suporta ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000, at humatak na ng 86 entries.

Pinahayag Martes ni LGBA president Nick Crisosotomo, na para sa first leg 7-stag derby 3-4 format, garantisado ang P5M prizes.

“This year, all participants have a chance of being included in LGBA’s elite top ten winners of the Breeder of the Year award,” panapos niya.

Ilan sa kasali sa 3-stag elims sa Biyernes sina Jose Alberto, Jr., Rolly Bautista, Juan Baquiran, Mike Bazar, JC Bernardo, Nickson Co, Jodi Dimayuga, James Flores, Alan Imperial, Brian Kampton, Rolly Kua, Dennis Manalang, Percy Modomo, Philip Neri, Rene Santos, Nino Tobiano, Boy Quiza at Doc Nino Mabanta.

Mas maraming entries ang inaasahan sa natitirang 3-stag elims sa Sept. 16 at 18, at sa Oct. 3. Bitaw ang 4-stag finals sa Oct. 7 at 11. (Enjel Manato)